Leana's POV Nakarinig ako ng katok sa pintuan pero hindi ako nag-abalang tumayo at baka masaktan lang ako kapag nalaman hindi ang inaasahan kong tao ang bumungad sa akin pagbukas ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Chander at ang yabag ng mga paa nito. Alam kong pagbubuksan na nito ang kung sino man. “ Ate?! “ tawag nito sa pangalan ko pero tila tamad na tamad akong tumugon sa kahit sino at hinayaan lang sarili sa pagkakahiga sa aking kama. Ipinikit ko ang aking mga mata upang magkunwaring hindi namamalayan ang mga pangyayari dahil sa mahimbing na pagkakatulog. Kumatok si Chander kasabay ang pagtawag pa rin sa akin. Narinig ko na lang ang kalansing ng mga susi at naalala na nandito ang lahat ng dulicate keys na ibinilin ko dito nang tuluyan akong