Chapter 15

1938 Words

Leana's POV Patuloy akong natatawa sa nangyari kanina at tila inis na inis naman si Dreco sapagkat hindi ako maawat sa aking pagtawa. " Sige, tawa pa! Tingnan ko kung makakatawa ka pa! " sa nababanas na tinig ay banta nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapahiyaw sa biglang pag-aalis ng tapis ng lalaki na siyang tanging takip nito sa katawan ngayon dito sa aking harapan. Ang walanghiya at ngising-ngisi pa na tila tuwang-tuwa sa reaksiyon ko! Kitang-kita ko tuloy sa pangalawang pagkakataon ang kahandaan nito na tila nagyayabang. Napatakip ako ng mga mata pero ang lokong Dreco ay pilit na inalis ang pagkakatakip ng aking mga palad sa aking mga mata. Inagaw nito ang kamay ko at mabilis na ginagap. Pero mas nawindang ako nang aking mapansin kung saan nito dadalhin ang mga palad ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD