Chapter seventy nine ALBIE’S POV’S Nakita ko na magkasama sina Ellie at Justine mukang masinsinan ang usapan ah kaya nilapitan ko sila para guluhin “ Bulaga!” “ Hindi kami nagulat” asar naman tong Justine na to bakit ang galing makiramdam “ Pwede ba umalis ka na may pinag uusapan kami ni Ellie na mahalaga” “ Sali ako” “ Hindi pwede” “ Bakit hindi pwede?” “ Girl talk to ano ba” “ Huh? Girl talk?” “ Ah eh, nag uusap kami tungkol sa mga babae, diba bakla ka? Hindi ka belong” paliwanag ni Justine talagang nilakasan pa niya ang salitang bakla nakakahiya kay Ellie Nagpigil lang ako na magsalita ayoko mapansin ni Ellie yung sinabi ni Justine pero mukang hindi naman niya mapapansin dahil parang balisa sya ngayon parang may nangyare? “ Anong ginawa mo kay Ellie?” tanong k okay Justine