Chapter forty JUSTINE POV’S [Kinabukasan] Ang lungkot ko ngayon at naiinis na rin, gusto kong manakit ng tao ngayon dahil sa inis ko, hindi nagkatugma lahat ng gusto kong mangyare kagabi Nanalo ako kagabi at si Jin, pero hindi nagpakita si Jin nang aawardan na kaming dalawa, hindi sya sumipot sa awarding. Kaya kumukulo ag dugo ko, mag isa ko lang sa stage kagabi imbes na kasama ko sya hindi ko alam saan sya nagpunta Si Ellie naman sa second round pa lang nawala na, si Jin humabol pa sa second round pero nung awardan na ng pagkapanalo hindi na sya mahagilap Tinataga ko ng espada mga halaman na nadadaanan ko, kainis! Dito ko na lang ibabaling ang inis ko kagabi, hindi ko makalimutan ang nangyare para akong napahiya, pero ang lahat walang pakealam basta sila naghihiyawan at nagkaaksiya