Chapter ninety five ALBIE’S POV’S Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko noong nagkita kami ni Justine na babae pala si Ellie? hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isipan ko yun. Sya lang ang nasa isip ko parati simula pa lang ng lumabas ako ng Memphis High at ang nakakatuwa pa ay hindi talaga ako bakla Lalaking lalake talaga ako! Yehey! Hindi na ako mag aalala na isang bakla ang tagapagmana ng North Empire at hindi ko na rin kailangan itago ang tungkol sa amin ni Ellie Este ang ibig kong sabihin ay ang tungkol sa nararamdaman ko kay Ellie pwedeng pwede ko na ipaglandakan sa buong mundo na gusto ko sya dahil match naman kami lalake ako at babae sya “ Ano nanamang nangyayari sayo? Muka kang baliw dyan” sinita ako ni mama ng makita niyang pasayaw sayaw ako dito sa may gilid