Chapter fifty two ELLIE’S POV’S [Clinic] Napakatahimik ni doctor Mariko ng makarating kami sa clinic niya, wala namang ibang tao dito kami lang dalawa umupo ko para makapagusap kami ng maayos “Dok ano bang sasabihin mo?” “Ellie nakibalita ako sa East Empire” “Oh anong nasagap mong balita dok?” naexcite ako dahil tungkol sa imperyo namin ang ibabalita niya “Yung good news muna, si ate gising na pero nasa ospital pa sya” yung reaksyon ni dok dapat maging masaya sya pero bakit malungkot sya “Magandang balita yan dok, bakit hindi ka natutuwa?” “Ang bad news kase Ellie” mukang ayaw niyang ituloy ang mga susunod niyang sabihin “Ang reyna, nakaconfine ngayon sa East Empire hospital at mukang malala ang lagay” Para akong namanhid sa nalaman ko, si mama bakit nakaconfine anong nangyare?