Chapter thirty ELLIE’S POV’S Hindi pa rin ako nakakalabas ng East Empire kami ni Jin, hindi ko na inuna ang magtanong sa kanya baka kase mahuli na kaming dalawa Nagkakagulo na ngayon dito dahil natamaan ng baril si Aren hanggang ngayon nanginginig ang kamay ko sa pagputok ng baril “Lets go” sinundan ko na lang si Jin mukang dumaan sya sa isa pang sikretong daanan dito sa East Empire Hindi nagtatanong si Jin kung bakit ako nandito, mukang mamaya masasabon ako ng tanong mula sa kanya. Bahala na “Ayun sya!” “Dalawa na ngayon sila!” “Dalian niyo!” Patay nakita na kami, binilisan namin ang takbo namin ni Jin pero napalibutan kami ng mga tauhan ni Aren. Nakamask si Jin ng pumasok dito hindi halata ang kanyang itsura, ako lang ang walang proteksyon sa mukha pero sinuot ko ang hood ng