Ayumi NAKAHILERA ang mga tao sa magkabilang gilid ng entrance glass door ng building, animoy naghihintay sa pagdating ng mahal na prinsipe, samantalang ako, todo tago sa likod ng aking katrabaho. Nakayuko ang aking ulo at binababa pa ang tuhod upang matakpan ako ng mga empleyadong nasa aking unahan. Nililibot ko ang aking paningin at humihinto sa entrance kung saan nakatutok ang mga tao. Dumadagundong ang aking puso sa tuwing may dumadaang sasakyan at titigil sa harapan, ngunit nawawala rin naman agad ang kaba sa tuwing nakikitang hindi pa ang CEO ang dumadating. Pinag-cross ko ang aking dalawang daliri, animoy nananalangin na huwag na sana siyang dumating. Hanggang sa maya-maya lang... "Nandiyan na sila!" anunsyo ng isang babae. Lahat kami ay napatingin sa dumating na itim na limousi