Chapter 5

2087 Words
Ayumi NAKATAAS ang gilid ng labi ni Jake habang lihim na sumusulyap sa akin. Animoy nang-iinis pa ito habang nakaupo sa sofa ng aming bahay. Nilibot niya ang kanyang paningin na animoy sinusuring mabuti ang lugar na kanyang kinaroroonan. At dahil sa ginagawa niyang ito, hindi ko alam kung mas maiilang ba ako o mahihiya dahil hindi naman kami kasing yaman ng kanilang pamilya. Aminado akong hindi malaki ang aming bahay dahil masipag lang ang aking mga magulang at hindi rin pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Halos kalapit lang ng pinto ang aming sofa. Sa pagpasok mo sa loob, makikita mo agad sa iyong kanan ang aming sala, kung saan nandoon ang TV at sofa. Sa harap naman ay ang aming maliit na kusina at simpleng dinning area. Kalapit nito ang hagdan patungo sa itaas kung saan may dalawang kwarto. Ganito lang kasimple ang aming buhay kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito makatingin ang lalaking ito sa paligid. "Napakagwapo naman nitong batang ito, Ayumi. Bakit hindi mo sinabing may dadating palang Adonis dito sa bahay?" Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig kong magsalita si mommy na tila kinikilig pa dahil kay Jake. Ito talagang nanay ko, kala mo ngayon lang nakakita ng tao kung maka-react. "Ma, nag-txt po ako sa inyo pero waley kang reply." "Ay, ganoon ba? Low bat kasi ang cell phone ko, anak. Anyway," wika ni nanay saka umupo sa sa tabi ni Jake. "Dito ka na ba magdi-dinner, hijo?" tanong ni mommy. "Pwede–" "Hinatid niya lang po ako, ma. Aalis na rin po siya," pagputol ko sa sasabihin ni Jake. Isang matalas na tingin ay tinapon ko sa kanyang mukha, saka sumenyas ng aking kamay, animoy nagsasabing maaari na siyang umalis. Kahit na siya ay lalaki, tumaas ang kanyang kilay na animoy isang mataray na babae, saka sumagot ng tingin sa akin na tila nagsasabing, sino ako para utusan siya. Muling humarap si Jake kay mommy at animoy maamong tupa na ngumiti. "Opo, gusto ko pong mag-dinner dito," natutuwa pa niyang sambit. Napatampal na lang ako ng noo. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito o talagang hobby nya lang talaga akong pagtripan. Nang matapos ang usapan, doon talaga nag-dinner si Jake, pero given naman na hindi talaga kami nakapag-dinner sa party. Natutulala na lang din ako dahil parang close agad nina mommy at daddy ang lalaking ito, kung alam lang talaga nila kung gaano siya ka-bully sa 'kin. Nang matapos kaming kumain, nagsimula kaming lumabas ng bahay ni Jake. Sinamahan ko siya patungo sa kanyang kotse at makapagpaalam na rin para makaalis na siya. "Sige na, umuwi ka na!" pagtaboy ko pa kay Jake na ngayon ay nakahawak sa pinto ng kanyang kotse at nakatingin sa 'kin. "Oo na. Pakisabi sa parents mo salamat ulit sa masarap na pagkain, nabusog ako." "Sana iyon na ang huling kain mo rito sa 'min," inis kong wika, saka inikot ang aking mata. "Hindi ka sure," mapag-asar niyang tugon. "Aba't loko talaga 'to!" "Sige na sige na," wika niya na may ngiting mapang-asar sa labi. Maya-maya lang, tumingin siya sa aking kamay at tumango na animoy tinuturo ito. "Kamusta pala 'yang kamay mo?" aniya. Napatingin ako sa aking kamay at napakunot ang noo. Oo nga pala, hindi ko na ramdam na nagkaroon ako ng sugat, tila nawala ang sakit nito habang kausap ko si Jake. "Maayos na ko, hindi na siya masakit," nakangiti kong tugon saka unti-unting hinawakan ang panyo na nasa aking kamay at tinanggal. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang kamay ni Jake na nakahawak sa akin. "Sa 'yo na muna 'yang panyo," saad niya. Kumunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay may nagbago kay Jake at tila bumait nang kaunti. "Sigurado ka? S-Salamat," nauutal ko pang saad. "Oo, sigurado ako na marumi na 'yang panyo ko. Balik mo na lang pagkatapos mong labhan. Tila tumaas ang dugo ko patungo sa ulo. Akala ko talaga ay naging mabait na siya. Ang walanghiya, pinapalabhan lang pala. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kotse nang matapos sabihin ang bagay na 'yon, dahil baka mabatukan ko pa siya kung hindi pa siya aalis sa aking harapan. Nilabas niya pa ang kanyang dila na animoy nang aasar, saka sinimulang magmaneho palayo sa aking kinaroroonan. Ako naman ay pumasok na rin sa aming bahay at sa aking pagpasok. Tila isang malakas na kuryente ang gumapang sa aking katawan at tumindig ang aking balahibo. Marahan kong nilibot sa paligid ang aking paningin at nakita sina mommy at daddy na nakaupo sa aming sofa. "Wala kang sinasabi na may boyfriend ka na pala," pabungad na salita ni daddy. "Oo nga, anak. Kailan pa naging kayo? Kailan ka pa natutong magtago ng lihim sa amin ng daddy mo? Sabihin mo, saan kami nagkamali?" Napangiwi ako dahil sa kanilang mga sinabi. "Ma, Pa. Walang may boyfriend dito. Hindi ko nobyo ang isang 'yon, like, duh!" Mabilis na tumayo ang dalawa at tila nagkakandarapa pang tumakbo patungo sa aking kinaroroonan. "Totoo ba 'yan, anak?" tanong ni daddy na tila naghahanap ng assurance. Tumango-tango lang ako bilang tugon saka humalikipkip. "Pero sayang, anak. Ang gwapong bata pa naman," pagsingit naman ni mommy. "Ma!" iritable kong wika. "Kidding aside, anak. Eh, sino ba ang lalaking 'yon at bakit mo siya kasama?" Umurong ang aking dila nang itanong sa 'kin ni mommy ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing nabu-bully ako sa school at siya ang lalaking nagtatanggol sa 'kin. Sa oras na malaman nilang may problema ako sa school, baka makadagdag lang ako sa financial problem ng aming pamilya. Mariin akong umiling at humikab. "Inaantok na po ako. Late na rin, ma. I think kailangan ko na munang magpahinga. Goodnight po," wika ko sabay nag-iwan ng halik sa pisngi ng dalawa. Dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto at hindi na pinansin pa ang pagtawag ng dalawa. Matapos akong maglinis ng katawan, madali akong tumalon sa higaan at mahigpit na niyakap ang aking unan. Makalipas ang ilang minuto, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isip ang mga eksena kanina. Iyong eksena na nakausap ko si Jacob. Hinawakan ko ang aking dibdib at ramdam ko pa rin ang kabog ng aking dibdib sa tuwing iniisip ko siya. Grabe! Kilala pala ako ni Jacob at natatandaan pa niya ako. I cannot! sigaw ko sa sarili sabay sa pagkilig. Hanggang sa maya-maya lang, hindi ko alam kung bakit pumasok sa aking isip ang mukha ni Jake nang mariin kong ipikit ang aking mga mata. Naalala ko ang mga oras na nakatayo siya sa entablado kasama ang ex niyang si Anna. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Ano bang nangyayari sa 'kin? Ano bang pakialam ko sa Jake na 'yon at ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Agad akong umupo mula sa pagkakahiga, saka pilit na pinakakalma ang sarili dahil nagsisimula na namang sumikip ang aking dibdib. Mas lalo pang kumirot ang aking puso nang maalala ko ang salitang fiancé. Pilit kong inalis sa aking isip ang mga bagay na tumatakbo rito at mariing iniling ang aking ulo. Itinakip ko ang unan sa aking mukha, saka pinilit na patulugin ang sarili. *** Kinabukasan, mabuti na lang at wala kaming klase dahil matatahimik ang buhay ko mula sa mga bully sa school. Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang nakabukas ang laptop. Matagal na rin akong hindi nag-activate ng aking social media dahil hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin ako ng kung ano-anong mensahe. Hanggang sa maya-maya lang, narinig ko ang pagsigaw ni mommy. "Anak! Baka pwedeng ibili mo muna ako sa grocery. May niluluto lang ako!" sigaw niya. Dahil wala naman akong ibang choice, agad akong nagbihis at inayos ang sarili, saka lumabas ng kwarto. Matapos sabihin sa akin ni mommy ang mga dapat kong bilhin, agad na akong nagtungo sa labas at sumakay ng tricycle patungo sa grocery store. Maganda ang sikat ng araw at hindi ganoon kainit, mabuti at komportable ang damit na sinuot ko. Simpleng loose t-shirt at short na maiksi. Halos natatakpan ng aking shirt ang suot kong pang-ibaba ngunit sa ganitong damit kasi ako komportable. "Salamat po," wika ko sa sales lady matapos akong lumabas sa groceries store at nabili ang mga bagay na pinabibili ni mommy. Sa aking paglabas, kumunot ang aking noo dahil sa aking nakita. May mga lalaki sa paligid na may suot na shades. Formal ang kanilang mga suot at hindi ko man nakikita ang kanilang mga mata, alam kong nakatingin ang mga ito sa akin. Mahigit lima ang mga lalaking ito, dahilan upang ako ay kabahan. Marahan akong lumakad at pilit na binalewala ang mga lalaking iyon. Ngunit sa paghakbang ng aking paa, isa sa mga lalaki ang humarang sa aking daraanan. "Ms. Excuse me, gusto ka raw makausap ni Ms. Anna Villanova." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sinong Anna? Wala naman akong natatandaang kaibigan na nagngangalang Anna? Maya-maya lang, isang itim at magarbong sasakyan ang pumarada malapit sa aming kinaroroonan. Tinuro ito ng lalaki at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba nang bumaba ang wind shield ng kotse at bumungad sa akin ang babaeng fiancé ni Jake. "Pwede ba tayong mag-usap?" Malambing ang kanyang tinig at halatang mayaman ang kanyang pagkilos. Nakangiti naman siya sa 'kin pero hindi ko alam kung bakit may kaba pa rin sa aking dibdib. "S-Sige," tugon ko. Sinamahan ako ng kanyang bodyguard at pinasakay sa kotse na kanyang sinasakyan. Halos mahiya pa ako sa aking hitsura alam ko kung gaano kapangit ang outfit ko ngayon. Nang makaupo ako sa tabi ni Anna, nakita ko agad kung paano niya tingnan ang aking kasuotan, dahilan upang mas lalo akong manliit sa sarili. Pilit akong ngumiti at nagpaliwanag. "S-Sorry, hindi ko kasi alam na magkikita tayo, hindi tuloy ako nakapag-ayos," kamot-ulo ko pang wika. Isang mahinhin na pagtawa ang aking narinig. Nagulat pa ako nang marinig kong tumawa si Anna at maging sa pagtawa, napakaganda niya. "Okay lang. Ang ganda mo nga, eh," wika niya habang nagpapahid pa ng maliit na butil ng luha dahil sa kanyang pagtawa. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang mapagtanto ko na mabait pala ang babaeng ito. Nagsimulang gumalaw ang sinasakyan naming kotse, hanggang sa maya-maya lang, nakarating kami sa isang mamahaling restaurant sa may BGC. Halos manliit ako dahil sa aking damit nang pumasok kami sa restaurant na iyon. Ang mga staff dito ay nagbibigay respeto kay Anna nang dumating kami sa loob. Nandoon din ang isang reserved chair para sa kanya. Kung ako ang tatanungin, alam ko na agad na pag-aari niya ang restaurant na ito. Hula ko lang naman iyon ngunit pakiramdam ko ay tama ako. Agad na nagdatingan ang mga waiter sa aming lamesa at nagbigay ng ilang maiinom. Binasag ni Anna ang katahimikan nang sa kami ay makaupo. "I'll go straight to the point, Ms." "Ayumi, pwede mo akong tawaging Ayumi," pagpapakilala ko habang nakangiti kong wika sa kanya. Tumugon naman siya ng matamis na ngiti sa akin. "Ayumi," mahinhin niyang wika na nagbigay ng ganda sa aking pangalan. "May I ask for your help, Ayumi?" Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Ano naman kaya ang matutulong ko sa isang mayamang babae na kaya namang gawin ang lahat? "S-Sure, why not?" Pilit ko pang ningiti ang aking labi. "About saan ba?" "About Jake." Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang aking puso nang banggitin niya ang pangalan ng mokong na iyon. "A-Anong tungkol sa kanya?" "Nakita ko kasi kung gaano kayo ka-close," wika niya sabay sa paghalo ng juice na nasa kanyang tabi na sinerve kanina ng waiter. Nababakas ang lungkot sa kanyang labi habang ginagawa niya ito. "Kung hindi mo mamasamain, I just want to ask kung anong relasyon mo sa kanya?" tanong niya sa akin. Mabilis kong iniling ang aking ulo. "Wala! Wala siyang relasyon sa 'kin. Schoolmate ko lang siya, 'yon lang," mabilis kong pagtanggi. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang sabihin ko ang bagay na iyon. "Ganoon ba? Kung ganoon, pwede mo ba akong tulungan na ayusin ang relasyon namin? sunod-sunod niyang wika sa akin. Hindi ko mahanap ang itutugon sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nanigas ang buo kong katawan at umurong ang aking dila dahil sa mga salitang binitiwan niya. May kung ano sa aking puso ang nagsasabing ayoko, ngunit ang kabilang isip ko ay nagsasabing kailangan ko siyang tulungan. P-Pero bakit ako nahihirapan magdesisyon nang ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD