Chapter sixty five// ANDY’S POV’S Kakatapos ko lang gawin mga assignments ko, buti gumagana pa utak ko, kahit minsan para akong wala sa sarili, minsan makakalimutin na, hindi ko na alam nangyayare sa akin nitong nakaraang araw pa. Pinipilit ko maging okay kaso hindi ko maiwasan matanong sarili ko, ano bang kulang ko? Ano ba nagawa kong mali? Ano bang meron kay Yanna na walaako, puro ganyan ang katanungan ko na hindi ko masagot kaya nasasaktan ako ng paulit ulit Sa mga tanong na hindi ko masagot. Ganito pala pakiramdam ng niloko ka at nahuli mo pa sa akto, kung yung iba sinusugod pa nila yung babae pero ako, mas inalala ko pa sila na baka maiskandalo kami kaya hindi ko ginawa, kaso si Brenda ang gumawa hindi ko na sya napigilan dahil na pagkabigla ko sa nakita ko Hanggang ngayon bumab