Chapter seventy six// SHON’S POV’S “Welcome back young master!” bati ng lahat sa akin ng makapasok ako sa mansyon “grabe brad, namiss ko dito ah” –Oliver “eto talaga ang big comeback na sinasabi”-Kieffer “patulog” humiga si Stanly sa may sofa Sumama silang tatlo sa akin ng sunduin ako ni mama sa bahay nila Yvan, hindi ko naman inakala na mangyayare pa to, hindi ako makapaniwala talaga Nagpapart time ako sa isang bagong company bilang secretary ng masungit at mayabang na hindi ko alam kung tao ba yun o halimaw na manager, tsk, hindi niya ako kilala, humanda sya pagbalik ko dun magreresign na kaagad ako. Lalo na at nalaman ko na kami din pala ang nagmamay ari ng bagong tayong company na yun. “welcome back anak” bati ni mama, normal lang trato ko sa kanya, wala na akong galit sa kanya