EXCITED. HINDI AKO magkamayaw sa pag-aayos ng gamit ko. When I got out of the office, sinalubong ako ni Kuya Dan at kinuha nito ang aking dala. Bukod sa personal kong gamit ay nag-uwi rin ako ng ilang files na kailangan kong i-review para sa pagbabalik ni Mika ay naka-ready na ito. Ihahanda ko na rin ang mga gamit ko sa pag-uwi. Matatagalan ako bago makabalik dito pero puwede rin naman na ipadala na lang sa akin sa Pilipinas kung sakali. “Kuya Ernie, p’wede n’yo po ba akong ihinto sa pharmacy? May bibilhin lang po ako, hindi magtatagal.” “Gusto mo bang ako na lang ang bumili? Mukhang pagod ka na.” Pero sa sobrang saya ko ay gusto kong ako ang gumawa nito. “Ako na lang po, Kuya. Madali lang ito.” “Okay, Ma’am Pinky.” Idinaan niya ako at dumiretso ako sa section ng mga PT. Kumuha ako n