HINDI KO NAKASABAY maghapunan ngayong gabi ang asawa ko katulad ng sinabi niya kanina. He needed to stay at the office a little longer. Kaya naman I took the opportunity para magbabad sa bath tub ng isang oras para ma-relax ang muscles ko. That was a good run but I know my muscles will hurt tomorrow kahit ilang stretching pa ang gawin ko. Pagkatapos kong tuyuin ang sarili ko pati ang buhok ay nagpalit ako ng pantulog at nahiga sa kama. Mag-aalas onse na ng gabi ngayon. Nag-text si Bruce na pauwi na siya ng alas diyes. Malapit na siguro siya rito. Paglabas niya ng Star toll ay mga nasa sampung minuto na lang ang biyahe at nandito na siya sa bahay. Nanood muna ako ng TV at pinilit labanan ang antok. Gusto ko ay gising pa ako pagdating niya. Excited akong sabihin sa kanya ang plano ko at sa