Chapter 29

1261 Words

NGUMITI AKO SA kanya at pagkunwa’y binalingan si Kuya Ernie at Kuya Dan. “Kuya, mauna na po kayo sa bahay. Si Angelo na po ang maghahatid sa akin pauwi mamaya. Pakidala na lang po ng mga gamit ko pauwi,” sabi ko sa kanila. Nang makarating kami sa Tesse French restaurant ay takam na takam ako sa escargot kaya iyon kaagad ang in-order ko. Then Angelo ordered more food. Tinanong nito ang mga best seller at may balak pang punuin ang mesa kahit dadalawa lang kami. “That’s a lot of food, can we finish it?” tanong ko sa kanya. “You are pregnant. Preggy women eat a lot,” sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay. “Just how many pregnant women have you met?” Kakamot-kamot naman ito ng ulo, “I was bored and read an article about expecting Mommas.” Sukat sa sinabi niya ay napabunghalit ako ng tawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD