Chapter 16 MAKISIG'S POV Sunod-sunod na lamang ang pag tungga ko ng alak. Hindi na alintana sa akin ang pait at tapang na humahagod sa aking lalamunan, na para bang nakikipag paligsahan ako sa pag inom ng matatapang na inumin na ginagawa ko na lamang iyong tubig. Gusto kong mag pakalasing! Gusto kong mag paka-lunod sa alak. Baka sa paraan na ito, maka-limutan ko ang nangyari. Kalimutan ang pangyayari na nag pupuno lamang ng galit sa aking dibdib. Mag-isa lamang akong naka-upo sa tabi at tagong pwesto. Puno ng galit ang aking mga mata at nakaka-takot na iyon, na wala man lang ang nag atubili na lapitan o nag tangkang mag marahas na gaguhin ng mga tao sa paligid ko dahil kilala nila ako kong paano magalit! Naririnig ko lamang ang munting tawanan, at inggay sa paligid ng mga kalalakih

