CHAPTER 32 LIGAYA'S POV "D-Dakila." Iyan na lang ang lumabas sa aking bibig na hindi inaalis ang mata ngayo'y kay Dakila na hawak-hawak niya pa rin ang pulsuhan ni Pedro. Hindi na maipinta ang mukha ngayon ni Dakila at aaminin kong may lumukob naman na kaba at takot sa aking dibdib na ngayo'y kay dilim ng mustra ng mukha niya ngayon na may sindak at pag babanta kong paano niya ito tinitigan. "Anong ginagawa mo?" Gumuhit na lang ang nakaka kilabot na tinig ni Dakila sa hangin na kaagad naman kina-kurap ng mata ni Pedro, gulat na gulat at may halong takot na rin sa mata'y hindi inaasahan na susulpot na lang na darating ito. "D-Dakila." Pawisan naman na tinig ni Pedro, aligaga at hindi na maipaliwanag ang kanyang itsura lamang na naka titig doon. "Ikaw pala iyan." Anito sabay hatak na la

