Chapter 82 LIGAYA'S POV Pasimple ko na lamang tinignan si Damian, na ngayon kasama ko sa pag lalakad. Mag katabi lang naman kaming dalawa subalit, may distansiya naman ang layo ko na ayaw talagang mag padikit sakanya. Kanina pa ako pasulyap-sulyap na nag nanakaw ng tingin, maya't-maya kong sinusuri ang kanyang itsura na naka pako lang ang mata nito sa daan at napaka seryoso na tila ba'y alam na alam niya na kong saan siya pupunta at lulusot. Kanina pa hindi maipinta at naka busangot na ang mukha ko sa inis, na kanina ko pa siya kinu-kumbinsi na umalis at huwag akong samahan ngunit naging mapilit pa rin siya. Tinataboy ko na nga siya pero nag bingi-bingihan lamang ito. Nakaka banas. Nakaka irita lang talaga siya! Kaasar! Ano ba talaga ang trip ng lalaking ito? Hindi niya ba alam n

