Chapter 73 LIGAYA'S POV "D-Damian." Iyan na lang ang nasambit ko na mag katitigan kaming dalawa sa mata. Tila ba'y matatakasan ako ng bait ng sandaling iyon na tuluyan nang nag hina ang aking tuhod na anumang segundo bibigay na iyon. Hindi ko alam ang magiging mararamdaman ko, pinag halong takot at pangamba na gusto ko na lang mag palamon sa lupa. Pinag pawisan na rin ang palad ko sa labis na kaba na matapos ang anim na taon mag kikita kaming dalawa. Mag tatagpo ang aming mga landas, na hindi pa ako handa na mangyari ang bagay na ito. Nanatili lamang akong naka tayo, gusto kong ikilos at ihakbang ang aking paa para umalis subalit hindi ko maipaliwanag kong bakit parang naka pako ang mga paa ko sa sahig na kahit igalaw ko ang mga iyon hindi ko magawa. Sa bawat segundong lumilipas lalo

