Chapter 34 LIGAYA’S POV “Mahal? Mahal?” Ang malagong na pag tawag sa akin ni Dakila ang mag papukaw ng malalim kong iniisip. “Huh?” Wala sa sariling sagot ko na ngayo’y nakita ko si Dakila na naka upo sa harapan ko at para bang kanina niya pa ako pinag mamasdan. Sabay kurap ng mata at umayos ng pag kakaupo lamang sa upuan na mag tagpo ang mga mata namin. “Ano ang iyong sinabi mahal?” Pag uulit ko na lamang dahil wala akong idea kong bakit tinatawag niya ako. “Tinatanong kita, kong ayaw mo ba nang niluto ko? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pag kain sa pinggan mo.” Ang salita nitong muli ang mag pabaling ng tingin sa akin kong saan nakita ko ang pinggan sa lamesa at naka lagay doon ang masarap na almusal na ginawa ni Dakila para sa aming dalawa. Nakita ko ang pag sunod ng mata ni Dakil

