Chapter 68 LIGAYA'S POV Nilapag ko na lang ang huling niluto kong fried rice sa lamesa. Malaya ko na lamang pinag mamasdan ang simpleng almusal na ginawa ko kagaya ng hotdog, itlog at nilabas ko rin ang tira naming ulam kagabi. Naka ayos na ring naka arrange sa lamesa ang pinggan, kubyertos at nag handa rin ako ng mainit na chocolate, na mag pakalam pa lalo ng aking sikmura na maamoy ang mabangong aroma. Napa tingin na lang ako sa orasan sa dingding napa ngiti na lang ako na makitang alas sais-kinse pa lang ng umaga. Tamang-tama naka tapos na rin ako sa aking ginagawa sa tamang oras. "Ayan natapos na," hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi. Napukaw na lang ang aking atensyon na marinig na lang ang yabag mula sa likuran ko, nang lingonin ko nakita ko na lang si Raven palaba

