Chapter 80 LIGAYA'S POV "D-Damian." Iyan na lang ang nasabi ko na ngayo'y hawak ni Damian ang pulsuhan ni Travis. Pakiramdam ko tatakasan na ako ng bait ng sandaling iyon sa paraan na titig ni Damian dito, na animo'y pinapatay niya ito sa matalim at nag babantang titig niya kay Travis. Kahit kabado man, lakas-loob akong lumingon kay Travis na ngayon wala lamang sakanya ang presinsiya ni Damian na para bang nakikipag laro lamang siya dito. Hindi ko alam kong saan siya humuhugot ng lakas ng loob na tumitig sakanya ng diretso na hindi man lang nasisindak sa paraan titig nito sakanya. Bakit naging kampante lamang siya sa harapan ni Damian? Hindi man lang siya nasisindak dito? Kasi ako oo. Bumalik na naman ang takot sa puso ko lalo't ilang beses ko na si Damian nasaksihan kong gaano i

