Chapter 51 LIGAYA’S POV “Ugh.” Mahinang ungol ko na lang at uminggos sa pag kakahiga. Dahan-dahan ko na lang minulat ang mga mata ko at bumunggad sa akin ang nipa na dingding. Sandali, asan ako? Anong nangyari? Iyan na lang ang mga katanungan sa isipan kong ginala ko pa rin ang tingin sa paligid na kahit ako mismo, hindi ko alam kong ano nga ba ang nangyari. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat naman kaagad, dahan-dahan ko naman kina-kilos ang katawan kong paupo sa papag. Bago pa ako maka-upo may pumasok na lang sa silid at dali-daling lumapit sa akin. “Mahal.” Rinig kong boses ni Dakila at inalalayan niya akong makaupo. “Huwag ka munang kumilos at baka mapapano ka.” May pag aalala sa tinig nitong iniling ko na lang ang ulo ko, pahiwatig na kaya ko na talaga. “Maayos lang

