Chapter 30 WARNING: R-18 LIGAYA'S POV Pasimple ko na lang kina-silip si Dakila sa tabi ko, na hindi na maipinta ang mustra ng kanyang mukha at naka kunot ang kanyang noo na para bang iritable habang mag kasama kaming binabaybay namin ang daan pauwi. Naka pako lang ang mata niya sa daan at pakiramdam ko wala akong kasama dahil lamang sa wala siyang imik at hindi kumikibo sa tabi ko kanina pa. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko ng basket at hindi ko mapigilan na suriin at palihim na obserbahan siya na ngayo'y, lamig at kay talim naman ng kanyang mga mata. Simula no'ng umalis kami kanina sa bayan, pansin ko na ang pananahimik nito na para bang napaka lalim ng kanyang iniisip at para bang galit siya sa mundo na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan ngayon n

