Chapter 70 LIGAYA'S POV Maaga pa lang hinatid ko na si Raven sa school, maririnig mo na lang ang ingay ng mga bata sa paligid na nag lalaro at nag hahabulan. Ang iba naman hinahatid ng kanilang mga magulang. Hawak ko ang kaliwang kamay ni Raven, at simpleng pinag masdan ko na lamang siya na ngayo'y suot ang ternong uniforme na kulay white at violet ang color. Naka sabit naman sa likuran nito ang cute na backpack nitong maliit na bagay na bagay sakanya. Lalo lamang lumabas ang ka- guwapuhan taglay ni Raven sa suot nitong uniforme at medyo namula-mula ang pisngi nito kapag nasisikatan ng araw. Nang matapat na kami ni Raven sa pintuan ng kanyang school bahagya na akong yumukod para mag kapantay na kaming dalawa ng tingin. Inayos ko na ang suot nitong uniforme na bahagyang nagusot na at

