Chapter 88 TRAVIS POV Tahimik at mag isa lamang si Travis naka upo sa bandang sulok ng Bar. Umiinom at ilang oras na siya roon na nag papalamig ng ulo, na pinasadahan niya lang ng tingin ang ibang customer na nakikipag kwentuhan at nag iinuman kasama ang kanilang kaibigan o kasama. Kanina pa hindi maganda ang mustra ng kanyang mukha, walang nag tangkang lumapit at makipag usap sakanya dahil lamang sa malamig at nakaka takot niyang dating na binibigyan niya kaagad na malamig na banta. Sumalin siya ng matapang na inumin sa baso at sinimsim niya na ang laman no'n na wala lamang sakanya ang mapait na alak na humahagod sa kanyang lalamunan. Pabagsak niyang nilagay sa table ang baso, at ginala muli ang tingin sa loob ng Bar na kasalukuyan nag papatugtog ng soft music. "Ah." Napa ngiwi na un

