CHAPTER 24 LIGAYA'S POV Nagising na lamang ako sa malamig na simo'y ng hangin na tumama sa aking balat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kaagad sa akin sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Dakila na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mag kaharap kaming mag katabi sa papag at kasalukuyan naman na naka patong ang ulo ko sa kanyang braso na ginawa ko na iyon na unan. Ilang dangkal na lamang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, na maka ramdam naman ako ng init sa katawan ko na tumatama ang mainit niyang hiningga sa balat ko. Sa ganun na posisyon, malaya kong napag mamasdan ang kanyang itsura at ang simpleng pag dikit ng katawan namin ang mag bigay init sa pakiramdam ko na napapaso naman ako. Ilang segundo akong napa titig sa guwapong mukha ni Dakila, malaya iyon pinag a

