Chapter 97 LIGAYA'S POV Kanina pa ako hindi mapakali sa pag aalala na naka tayo sa labas ng silid ni Raven. Ramdam ko na ang pamamawis ng palad ko na maya't-maya napapa tingin na lang sa pintuan, sinisilip kong ano na ba ang balita mula sa loob ng kwarto na iyon. Sa bawat segundong lumipas, lalo lamang akong dinadaga sa pag aalala at takot sa puso ko lalo't wala pa akong balita. Pinag lalaruan ko na lang ang aking palad sabay buntong-hiningga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko kahit papaano. Napukaw na lang ang atensyon ko na margining ang pag bukas-sara ng pintuan kaya't ako napa lingon. Nakita ko na lang si Damian palabas ng silid kaya wala akong pinalampas na pag kakataon na salubongin ito. "Kumusta? Kumusta na ang kalagayan ni Raven?" puno ng pag alala ang gumuhit sa aking m

