It's been a 3 years when I left in the Philippines. Ang daming nangyari sa akin sa panahon na iyon. Nang araw na kinaladkad si Wayne ng dalawang guard sa company, umuwi na rin agad ako sa amin. Hindi ko na kaya magtrabaho pa after ng pangyayari na iyon. Sobrang dinurog nila nang husto ang puso ko. Wala na silang tinira sa akin. Nang makauwi sa bahay nila kuya Jeppy, nadatnan ko si kuya na nakatayo sa tapat ng k'warto ko. Napahinto ako sa aking paghakbang sa huling baitang ng hagdan. Lumingon siya sa gawi ko at tinitigan ako. "You can talk to them first, Nene." seryosong bungad agad niya sa akin. Kilala ko ang tinutukoy niyang 'them'. Nilagpasan ko si kuya Jeppy, binuksan ko ang aking k'warto pero 'di pa ako nakakapasok nang tuluyan sa loob bigla ulit siya nagsalita. "Hindi pa