"Mami!" Napailing na lang ako ng marinig ang matinis na boses ni Naxir. Rinig na rinig ko ang boses niya hanggang dito sa kusina. "Mami, asabi ni Nigel! Am moron! What's moron, Mami?" matinis na boses na tanong nito sa akin na siyang makalapit sa p'westo ko. Napapikit ako dahil sa narinig ko sa anak ko. Jusko, ba't ang tagal umuwi ni Lourde. "Mami, what's moron po ba? Akakain ba po 'yon? Is that a banana, Mami?" ulit niyang tanong sa akin na siyang pagtampal ko sa aking noo. Saan narinig ni Nigel ang salitang moron? Binitawan ko ang whisk, pinatong ko ito roon sieve strainer. Pinatayan ko ang anak kong matanong na si Naxir. "Turon niyon, baby. Call your twin brother Nigel. That's a bad word and it's not good to say it to kids like you, Naxir." turan ko sa kanya. Nakatitig si