KABANATA 19: HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA sa nangyari. Akala ko, iyong pagkikita namin kanina ay ang magiging huling pag-uusap namin tungkol sa akin bilang si Letisha pero milagrong hindi iyon nangyari dahil sa wakas, naniwala na rin siya sa akin. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang pumunta kami sa parke kung saan madalas kaming mag-date. Na kahit sa huling pagkakataon ay makausap ko siya doon mismo sa lugar kung saan saksi ang pag-iibigan naming dalawa but it turned out to be a good way. Siguro ito lang iyong hinihintay niya, iyong ipakita ko sa kaniya nang husto, na ako si Letisha. Hapon na nang makauwi ako sa bahay dahil nga nag-usap pa kami nang masinsinan. Nilinaw niya sa akin na hindi niya pa kayang ituloy ang relasyon naming dalawa lalo na at masyado na akong bata ngayon at m

