KABANATA 26: ILANG BESES NA AKONG NAGPAGULONG-GULONG sa kama ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Micay. Hindi mawala sa isip ko iyong naramdaman ko habang yakap ko siya at habang nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ko nagustuhan ang nararamdaman ko lalo na at alam kong sa huli, ako iyong matatalo. Alam ko naman kasing mahal niya iyong dati niyang boyfriend, sobrang mahal niya kaya sigurado akong hindi ako magkakaroon ng puwang sa puso niya. Napabangon ako sa kama at saka kinamot ang likod ng ulo ko. Bakit ba kasi hindi ko manlang naramdaman ito noong una pa lang para naiwasan ko na? Naiinis ako, paano kung mas lumalim pa 'to? Paano kung sa huli masaktan ako? Bumuntong-hininga ako at saka tuluyang umalis mula sa pagkakahiga sa kama. Lumabas ako ng kwarto para dumiretso sa kusina

