KABANATA 15: MARC RUFERT'S POINT OF VIEW: ILANG ARAW NA AKONG HINDI mapakali nang dahil lang sa sinabi sa akin ng isa sa mga estudyante ko. Matagal ko nang napapansin ang pagkakahawig niya kay Micaella pero kahit kailan hindi ko naisip na pwedeng siya iyon. Pero ngayong siya na mismo ang nagsasabi sa akin na sya si Letisha, hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na gusto kong maniwala kahit na napakaimposible na ng mga pinagsasabi niya. Imposible, dahil hindi totoong may reincarnation. Ang Letisha na minahal ko ay matagal nang namatay at nasa langit na. She's too precious to me, and I don't want anyone to replace her in my heart. Bago siya namatay, nangako ako sa sarili kong siya at siya lang ang babaeng mamahalin ko, habambuhay. And now, I still am continuing my life with her insi

