KABANATA 13: WALANG HUMPAY ANG PAG-AGOS NG mga luha ko habang yakap ako ni daddy. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kadrama ang pagtatagpo naming dalawa at hindi ko rin inaasahan na mabilis niya akong makikilala. Akala ko mararanasan ko pa iyong katulad ng pakikitungo ni Rufert sa akin pero hindi, dahil nakilala niya lang ako kaagad. "Leonardo?" Nag-angat ako ng tingin doon sa nagbukas ng pinto. Mas lalo akong napaiyak nang makita roon si mommy. She looked shocked when she saw me. "Oh my goodness!" aniya. Patakbong lumapit siya sa amin. "Sorry miss, may alzheimer's disease kasi siya–" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ko. Doon ko narealize kung bakit naalala kaagad akong nakilala ni daddy, dahil may alzheimer's disease siya. "P-po?" Humiwalay sa akin si daddy at sa

