"SINCE na may lisensiya na tayo bilang mag-asawa ay nararapat lamang na dito ka na sa room ko mag-stay," ani Bryce Luther sa asawa. Lihim tuloy siyang napapangiti. Dahil kung kailan mag-asawa na sila ay saka naman ito aligaga. Sabagay, hindi rin niya ito masisisi. Dahil ilang buwan din siyang masungit dito ayon sa abuelo niyang kapwa bipolar. "Yes, Hon. Pero---" Nais namang batukan ni MayMay ang sarili. Nagmistula tuloy siyang nag-iinarte sa hitsura niya sa kasalaukuyan. Kusa pa nga siyang napatigil dahil na rin sa kaisipang hindi niya maibigay sa asawa ang obligasyon sa unang gabi nila bilang mag-asawa. "Hon, kung tama ang hinala ko ay nag-aalala ka. Dahil unang gabi natin bilang mag-asawa. Subalit kahit gusto ko kung ayaw mo ay wala tayong magagawa. Masaya na akong kasama ka sa pags

