"ANO'NG nangyari, Hija? How did you end up here in Madrid? Sa pagkakaalala ko sa ating usapan ay umayaw ka dahil maganda ang trabaho mo roon," kaagad na wika ni Don Luther Dale sa dalagang halatang takot na takot.
"It's okay, Miss Valleroz. Sabahin mo ang lahat. Sigurado naman akong matino kang tao at hindi basta-basta gagawa ng kuwento." Pampalubag loob pa ni Benjamin.
Kaya naman ay nagpakawala ng malalim na hininga si Haenna Mae bago nagsimulang magpaliwag.
"Kako walang problema sa double works and overtime dahil hindi maiiwasan. Ngunit ang hindi ko matanggap-tanggap ay gusto nila akong gumawa ng maling medical certificate bagay bawal na bawal. Dahil bukod sa illegal ito ay ikasisira ng pagamutan. Maaring hindi ako resedente ng Spain ngunit kailanman ay wala sa aking isipan ang sirain ang aking buhay dahil sa maling paraan." Pansamantala siyang tumigil.
Dahil bukod sa talaga namang kinapos siya ng hangin ay nanginginig pa rin ang kalmanan niya dahil sa gutom!
"D@mn them all! Makikita nilang lahat. I will pull out our share to that hospital! Instead of saving lives, they are taking too much!" Kuyom ang kamao nitong hindi matukoy kung sino ang kausap. Kung ang sarili ba o ang dalagang nanginginig.
Ngunit bago pa may muling makapagsalita sa dalawa ay nauna na ang Don.
"Ben, go and ask for releasing. Kailangan nating makabalik sa mansion upang makagawa ng plano."
"By the way, nasaan ang gamit mo kung ganoon? Huwag mong sabihing hinabol din nila?"
Ilang sandali pa ay pinaglipat-lipat ng Don ang paningin sa mga kaharap. Hindi man sumagot ang assistant ngunit tumango-tango ito samantalang ang dalaga ay nagsimulang nagwika.
"Iyan po ang totoo, Senyor. Mabuti na lamang at mabait iyong umaresto sa akin at nagkataong kapwa ko Pilipino at dito nag-aral at nagkatrabaho. Kaya nga po ako nakahingi ng tulong sa iyo kahit nakakahiya dahil siya rin ang nagsuhestiyon kung may kakilala akong maaring makatulong sa akin." Pagkukuwento ni MayMay.
"What a pitiful child you are, Hija. Hala, hamigin mo na ang iyong sarili at isasama kita sa bahay. Maari kang manirahan doon kahit kailan mo gusto," wika ng Senyor.
'Ayaw ko sana dahil nakakahiya. Ngunit wala na akong ibang option sa ngayon. Nadala ko ang mga gamit ko kaya't walang problema sa muli kong pagsimula,' lihim na sambit ng dalaga.
Dahil na rin sa koneksyon ni Master Mondragon ay hindi nagtagal si Haenna Mae sa kulungan.
SAMANTALA sa bansang sinilangan!
"Ganyan ka ba ka-obsess sa lupaing hindi mo pag-aari, Mayor? Hindi mo ba naisip na maraming buhay ang nakasalalay sa Sitio San Juan? Sino ba ang nagluklok sa iyo sa iyong puwesto kung hindi ang taong bayan na kulang na lamang ay sunugin mong buhay?!" sigaw ni Precious sa alkalde.
Umayon naman kasi ang pagkakataon sa nabuo niyang plano. Bago pa man dumating ang ama ng distrito ay nailikas na nila ang mga bata. Kaya't silang mga adults na lamang ang naiwan.
"Dahan-dahan ka lang bata sa pananalita mo! Huwag kang mambintang---"
"Mambintang? Huwag kang magpatawa, Mayor! Dahil simula't sapol ay ikaw at ang grupo mo ang atat na makuha ang lupain ng San Juan. Okay, sabihin nating hindi ikaw, sino? Kayong grupo ang nandito nang sumiklab ang apoy!" Pamumutol ni Precious.
"Kapag sinabi kong manahimik ka ay sundin mo, bata! Dahil wala kang mapapala! May ebidensiya ka bang ako o ang mga tauhan ko ang may kagagawan ng sunog dito sa Sitio ninyo? Under age ka pa kaya't hindi kita maaring ipakulong ngunit kung ayaw mong maawat ay---"
Pero muli ay hindi pinatapos ni Precious ang Mayor.
"Maari mo akong patayin anumang oras. Diba iyan ang karugtong ng sinasabi mo, Mayor? Go ahead! Kill me right now if you can! Saksi ang taong nakapaligid na ang nakaluklok sa puwesto ay isang kriminal! Mamamatay tao! Now, Mayor!" sigaw niya.
Ngunit sa isipan niya ay mas iniinis niya ito ay gustong-gusto niyang siya ang tatapos sa buhay nito. Ngunit dahil ayaw din niyang mauwi sa wala ang nasimulan ay pinahaba niya ang maiksing pisi.
Kaso!
Napasinghap ang mga taong nagmistulang nanunuod ng pelikula dahil nakapalibot. Bukod sa binunot at ikinasa ng Mayor ang sariling baril ay itinutok pa sa dalagitang hindi man lang kakikitaan ng takot. Hindi nga ito natinag kahit nakatutok ang kalibre kuwarenta singkong baril sa noo.
"Ano pa ang hinihintay mo, Mayor? Kalabitin mo! Huwag kang duwag na puro salita! Sabagay, ganyan ka naman, Mayor. Mahilig sa plataporma ngunit walang nagagawa para sa bayan! Kahit kaunting kabuhayan ng mga tao ay pilit pang inaangkin---"
Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na natapos ni Precious ang pananalita dahil bukod sa mas idiniin ng Mayor ang baril sa noo niya ay may biglang sumulpot at hindi inaasahang makita sa oras na iyon.
"MEN, secure the whole premises. Check if there are wounded from the fire and send it to the hospital."
"Young lady, hindi ko man alam kung ano ang puno't dulo ng galit mo sa aming mga politician ngunit hayaan mong tumulong kami sa ikalulutas ng kasong ito. Your sincerity will lead us to put back everything into places. Calm yourself now, and we'll continue the discussion in the headquarters."
"Mayor Bernos, ayon sa aking narinig o ang usapan ninyo ni Miss Valleroz ay nais mong ipa-demolish ang Sitio San Juan. On what ground? As a governor of our province, dapat ay alam ko iyan o ang superior nating lahat si Congressman Buenos. Tama at dapat lang naman na may relocation para sa mga resedente ng naturang lugar. Ngunit bukod sa kumilos ka ng mag-isa, idinamay mo ang kapwa mo mambabatas sa ating probinsiya ay kamuntikan mo pang e-m******e ang buong Sitio sa pamamagitan ng apoy. Natural na magagalit ang lahat. Kaya't huwag ka ng umalma. Sumama ka ng maayos sa presinto."
Boom, panis!
Ako ang kinapos ng hininga!
"Kung ako lang po sana ay walang problema, governor. Ngunit ilang libo ba ang tao rito sa San Juan? Aanhin natin ang bansa kung wala ng tao? Matatawag pa ba itong bansa? Tutulong ako para sa kasong ito at sana ay prioritise n'yo rin po ang kaligtasan ng pamilya ko at ang mga resedente rito. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat ang talamak na p*****n sa ating probinsiya," sagot ni Precious.
"Yes, we will, Miss Valleroz. It's out of line, but, let me ask you, are you studying in college or still in secondary? Kung ganoon man ag kaso ay ako ang magpatuloy sa iyo sa college of law sa Manila. You have the potential to be one of our lawyers," tugon ng governor.
"Isa po ako sa mga provincial scholars sa UNP, Sir. Ngunit dahil wala kaming pasok ay nandito ako ngayon. Let's talk about that some other time, Sir," sagot ng dalagita.
The Mayor and his men?
Naumid ang dila at nagmistulang kuhol na hindi na nakapagsalita.
MADRID SPAIN
"ILANG LIBONG euros ang ibinayad ni Grandpa sa iyo, Miss?" tanong ni Bryce Luther sa dalagang si Haenna Mae.
Tuloy!
Dahil wala namang kaalam-alam ang dalaga sa ibig sabihin ng binata ay bigla siyang napa-WHAT!
"Tsk! Tsk! Huwag kang magmaang-maangan, Miss Valleroz. Dahil hindi si Grandpa ang uri ng taong basta nagdadala ng babae rito sa mansion. Ah, alam ko na. Gusto mo siyang gawing sugar daddy, ano?" Pang-aasar pa lalo ng binata.
"Maaring pulubi ako kumpara sa langit na tulad ninyo ngunit may dignidad akong tao, Mr Mondragon. Huwag kang malisyoso sa sarili mong abuelo. Nagkataon lamang na siya ang kakilala ko rito sa Madrid kaya't sa kaniya ako lumapit. Ngunit huwag kang mag-alala dahil oras na makahanap ako ng matitirhang iba ay aalis na rin ako rito," pahayag ng dalaga.
May kung anong kumurot sa kaniyang puso. Dahil sa kagaspangan ng ugaling ipinapakita sa kaniya ng binatang Mondragon. Kung gaano kabait ang matanda ay kabaliktaran naman sa apo nito.
"Oh, c'mon, Miss Valleroz. Alam ko namang kailangang-kailangan mo ngayon ang pera. Kaya't sabihin mo na kung magkano ang ibinayad ni Grandpa sa iyo at triplehin ko. Iyan ay kung papayag ka sa aking kundisyon. Huwag kang mag-alala dahil sigurado naman akong matutuwa ka sa ipapagawa ko sa iyo. Ah, ayaw mo ba iyon, instant money? Diba iyan nag habol mo sa abuelo kong lolo mo na kung sa edad lang din amg pag-uusapan," paismid at mapang-uyam na sabi ng binata.
"Ang abuelo mo ang tumulong sa akin ngunit hindi ibig sabihin ay maari mo akong insultuhin, Mr Mondragon. Kaya't habang may respeto---"
Pero hindi iyon pinatapos ng binata dahil basta na lamang niya hinablot ang kaharap at walang babalang kinuyumos ng mapagparusang halik. Kahit nga ang palad ay mahigpit ang pagkahawak sa mukha nito. Ramdam na ramdam niya ang pagkagat nito sa labi niya ngunit hindi niya tinigilan. Ngunit nang naramdamang kusa itong tumugon ay basta na lamang itong binitiwan at mapang-uyam na nagsalita.
"Nice move, Miss Valleroz. Tutugon ka naman pala eh. May paayaw-ayaw ka pang nalalaman. Alam mo kung saan ako matatagpuan kapag magbago ang isipan mo. Malay mo hindi lang halik ang maibigay ko sa iyo. I'm still stronger than that old man of mine. Ibig sabihin ay mas masarap akong mangromansa. Remember, your family in your country needs a large amount of money," aniya sa boses na mas malamig pa kaysa ice. Ngunit nandoon pa rin ang pang-iinsulto.
'B*tch! Hindi ka magtatagumpay sa abuelo kong babae ka! Basta ka na lamang sumulpot dito sa Madrid samantalang permanent job ka sa Barcelona. Tsk! Tsk! I will give you the dose of your itchiness, d@mn!' Kuyom ang kamao niyang ngitngit habang papalayo sa guestroom na inuukupa ng l!nt!k na babae.
Samantalang nagmistulang naupos na kandila si Haenna Mae nang nawala sa paningin niya ang aroganteng binata.
'Diyos ko, ituro mo po sa aking ang nararapat kong gawin.' Pipi niyang panalangin bago tumakbo papunta sa banyo sa silid na ipinagamit sa kaniya ng Don.