Chapter 19 "Sandali. Dito kana matulog" Napatigil si Thalia sa pagbukas ng pintuan nang maramdaman niyang sinundan siya ni Harley at hinawakan siya sa kanyang pulsuhan upang pigilan "A-Ayoko nga" Naiilang na sagot niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa mata ng binata. Mabuti nalang nga at matangkad ito. Kinakailangan niya pang tumigala upang makatingin siya sa mga mata nito Sino ba naman ang hindi maiilang? Nakahubad baro ito at tanging unan lamang na maliit ang pinangtatakip nito sa boxer shorts nitong suot Akmang tatangalin niya ang kamay nitong nakahawak sakanya ng lalo pa nitong higpitan ang pagkakahawak sa kanyang maliit na kamay. Ang laki naman kasi ng kamay nito. Kayang kaya talaga nitong pwersahin siya kung gugustuhin nito "Please? Hindi ko kayang ubusin ang niluto mo. Mas

