Chapter 29 "O Jayson? Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka si Thalia nang maabutan niya si Jayson sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay Araw iyon ng lunes. Kakauwi lamang niya mula sa hospital. Naka-confine kasi ang kanyang nanay Beng sa hospital na pag-mamayari mismo ni Harley. Malaki ang utang na loob niya kay Harley dahil binigyan nito ng personal doctor ang kanyang ina. Isang linggo na nga itong nasa pangangalaga ng gwapong doctor. Mukhang crush pa ng kanyang ina ang doctor na iyon dahil napakabait raw at isang araw palang nitong binigyan ng maayos na vitamina ang nanay niya ay naging maayos daw ang paghinga nito. Kaya napabilib tuloy ang nanay niya sa doctor na iyon. He is Doctor Lancer Steford. Ito mismo ang anak ng may-ari ng Steford Hospital kaya wala na raw silang kailangang pro

