Ending Chapter ❤️ 1 year later "Congratulations. You may now kiss your lovely bride!" Nagpalakpakan ang lahat ng mga taong dumalo sa magarbong kasal ni Harley at Thalia sa isang beach resort na pagmamay-ari nito. Isang taong preperasyon ang kanilang inukol para sa pinakamalaking kasalan sa buong Pilipinas. Nais kasi ni Thalia na maraming maraming tao ang makakasaksi sa pag-iisa ng kanilang dibdib. Naisipan tuloy imbitahin ni Harley ang halos karamihan sa mga fans nito na sumusuporta sa kanilang relasyon All expense paid ang lahat ng accomodations ng kanilang mga bisita. Humigit kumulang isang bilyon ang nagasta ni Harley para sa malaking pagtitipon na ito Ngunit balewala naman sakanya ang perang nailabas dahil katumbas lamang iyon ng isang luxury sports car niya. Kung siya nga ang

