Chapter 34 "Hon.." Napasinghap si Thalia nang may isang lalakeng matangkad ang bigla nalang yumakap sakanya. Medyo nabigla siya dahil hindi niya inaasahan na papasok sa loob ng grocery store ang nobyo niyang si Harley Hoffman Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at nagpalinga-linga sa paligid. Nakangisi ito nang humarap sakanya kahit natatakpan ang kalahati ng gwapon mukha nito ng isang kulay itim na facemask ay nasisigurado niyang nakangisi ito base nalang sa pagkakasingkit ng mga mata nito sa mga oras na iyon "Pasaway ka hon. Anong ginagawa mo rito baka may makakilala sayo? Pagkaguluhan ka nanaman rito" Halos pabulong niyang sita sa kanyang mabangong nobyo. Hays! Sobrang bango kasi ng perfume nito! Nakaka-adik amuyin. "Hindi naman nila ako makikilala. Sorry miss na miss na kita e

