Selos

1461 Words

Chapter 14 "Thalia wala ka bang lakad ngayon?" "Wala ho tiya" Sagot niya habang nakahilata siya sa sofa. Napuyat siya kagabi dahil inatake nanaman ng hika ang kanyang nanay. Mabuti nalang at naging maayos agad ito. Ngunit siyempre hindi na siya nakatulog ng maayos sa pag-aalala. "Mabuti naman kung ganoon. Nagluto ako ng adobong manok. Mayamaya lamang ay magsalo na tayo sa tanghalian" Ika ng kanyang tiyahin "Okay po tiya. Maraming salamat po. Pasensya na tiya hindi ako nagising ng maaga ngayon. Hindi tuloy kita natulungan" Napapahikab pa siya habang sinasabi niya iyon "Hamo na. Minsan ay kailangan mo rin ng pahinga. Bakit nga pala tatlong gabi kanang hindi nagtatrabaho?" "Nasa ibang bansa ho ang kliyente ko. Sa lunes pa ang balik niya" Tatlong araw na kasing nasa Germany si Harley.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD