Chapter 59 Harley POV Nang maramdaman ni Harley ang init ng sinag ng araw na dumadampi sa kanyang mukha ay dahan dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Mukhang mataas na ang araw nang magising siya dahil tirik na tirik na iyon. Hindi niya kasi naayos ang black-out curtain kagabi kaya naman sumisilip ng kaunti doon ang sinag ng haring araw at naging dahilan upang magising siya sa mahimbing na pagkakatulog Napahikab pa siya at napainat ng kanyang braso. Para bang pagod na pagod siya. Masakit ang mga braso at balakang niya. Agad rin siyang napangiti ng maalala kung bakit nga ba siya napagod ng ganito? Maghapon at magdamag lang naman silang nagtalik ng babaeng hindi niya akalain na muling babalik sa kanyang buhay They made love passionately last night. Ramdam niya rin kung gaano siya

