Chapter 21 "Eh ikaw anong meron sainyo ng Jayson na yun?" Tanong ni Harley pagkatapos siyang biruin na kukutusan siya nito. Hindi naman siya kinutusan bagkus ay hinalikan pa nito ang tuktok ng kanyang ulo. "Kami ni Jayson? Wala. Magkaibigan lang kami no. Magkaibigan rin mga nanay namin kaya wala kaming choice nung bata pa kami kundi maging best friends rin" Napanguso ang gwapong naka-akbay sakanya. Pabiro nitong pinisil ang pisngi niya "May crush sayo yun." "Nyek. Paano mo naman nalaman?" Tinitignan niya ang mukha nito. Bahagyang nakakunot pa ang nuo. "Nararamdaman ko. Crush ka rin nun. Di ako naniniwalang may lalakeng makakayanan makipagkaibigan lang sayo." Napalunok siya. Ganoon ba siya kaganda sa paningin ni Harley? Muli nalang siyang lumagok ng kanyang beer "E-Ewan ko sa

