Chapter 43 V A U G H N Kasalukuyan akong naglilinis ng hardin. Inutos kasi saakin ni Mo. Eula na maglinis kami dahil may darating na mga bisita na magbibigay daw ng tulong para sa bahay ampunan. Bata palang ako nang mawala ang magulang ko. Iniwan ako ng nanay ko dito sa bahay ampunan dahil sabi ng madreng nag alaga saakin. Leader ng sindikato ang tatay ko, sabi nila may lahi daw ang papa kong chinese habang si Mama ay may halo namang amerikano. Hanggang sa nagkasakit ang nanay ko at dahil sa kapos kami sa pera, napilitan na siya na iwanan ako sa bahay ampunan kahit kakapanganak niya palang saakin. Mabuti na lang at may nag report sa pulisya at nagkaroon ng panawagan sa telebisyon kung kilala nila ang bangkay na namatay sa hospital ay tawagan ito. Sakto nakita nila Mo. Eula ang balit