Chapter 37 M A L Z I A Kasalukuyan akong nasa magandang hardin, puno ito ng bulaklak at puyos ang makukulay na tubo nito. Nang makita ko ang rosas ay agad akong napangiti dahil sa ganda ng taglay nito. Napakapula nito at makikita mong maayos itong naaalagaan. Kukunin ko sana ito nang biglang may kumuha at nang pagtingin ko ay isang pamilyar na binata ang kumuha nito. Kakausapin ko dapat ito nang bigla itong tumakbo palayo at nang subukan ko itong habulin ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang patag na lugar na napapaligiran ng kabundukan at tanginf isang puno lamang ang meron sa patag na aking kinatatayuan. Lalapitan ko sana ang binatang kumuha ng bulaklak nang bigla itong lumapit sa isang babae..pamilyar na babae. "Zi bumalik ka! Habang wala ka ay kumuha ako ng bulaklak na gus