Kabanata 59 "Urgh! Bakit walang signal dito?!" Frustrated na sigaw ko sa dalampasigan. Ni-hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko ng tinaas-taas at inikot-ikot yong phone ko para lang makasagap ng signal pero wala talaga! "You're just wasting your energy, Wife. There's no cell site here." Sagot naman sakin ni Kent. Inirapan ko siya at hopeless na umupo na din sa bumangin. Pareho naming tanaw ang malawak na karagatan ngayon. Naihilamos ko nalang ang mga kamay ko sa mukha ko at saka ko binato yong phone ko sa tubig. Total naman ay walang kwenta yan dito sa Isla na pinagdalhan sakin ng Chopper ni Kenzo. I should have known better! Dapat palang kagabi nung madinig ko yong boses ni Kent sa background ni Kenzo, dapat pala naghinala na akong my gagawin silang hindi maganda! "God! Kenzo

