Kabanata 48 -Continuation of Flashback- "Ngayon naman gusto mong magpakamatay?!" Galit na galit na tanong sakin ni Daddy. Wala pa ata akong isang oras na gising, sermon na niya ang sumunod kung kinakaharap. "Go, away. I don't need you here." Walang buhay na sagot ko naman sa kanya, nanghihina pa kasi talaga ako. "Hindi na namin alam ng Mommy mo kung anong gagawin namin sayo! Ikaw pa ata ang rason ng pagkakaron ko ng sakit sa puso!" At saka lumabas ng hospital room ko si Daddy, symepre sinundan na naman siya ni Mommy. I am not expecting them to come back kaya naman kaya tuluyan ko ng pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. I am all alone again. "Bakit ba hindi pa ako mamatay?" Tanong ko sa sarili ko at saka ko paulit-ulit na pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng mga k

