Kabanata 46 -Continuation of Flashback- "Miss?" Napatingin ako sa lalaking tumawag sakin. Nilingon ko lang naman siya kasi parang pamilyar sakin yong boses niya at ganun nalang ang panglalaki ng mga mata ko ng Makita ko ulit yong lalaking nangbintang sakin na ninakaw ko daw yong wallet niya. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya at saka ko binaba yong host na pinangdidilig ko ng halaman namin. "Gusto ko lang mag-sorry don sa nangyari-" Hindi ko na pinatapos pa yong sasabihin niya. "Binayaran na ng parents ko yong nawala sayo kagabi diba? Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na." Sabi ko sa kanya at akmang papasok na sana ako ng tawagin na naman niya ako, but this time sa pangalan ko naman. "Kylie." Paano niya nalaman yong pangalan ko? Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko s

