Kabanata 22 Tulad nga ng gusto ni Aria nagswimming kami, ayaw ko na nga sanang sumama pero my nagtutulak sakin na sumama pa din. Nandito si Jiro at hindi ko naman siya pwedeng sabihan na sa iba nalang kami pumunta at huwag ng sumama sa pagswuswimming kay Aria kasi hindi ko makikita kung ano yong gagawin ni Aria kay Kent. Naguguluhan ako. Bakit ganun? Bakit gusto kung parehong bantayan sila Kent at Jiro? Eh si Jiro lang naman ang pagmamay-ari ko. Pagmamay-ari ko pa nga ba? Umiling-iling ako. Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?! Wala na ako sa mood ng lumabas ako ng cabin ni Aria. She really knows how to ruin my mood at sana alam ko din kung paano ko sisirain ang araw niya! Para naman patas kami. Papalapit palang ako sa kanilang tatlo dinig na dinig ko na agad ang matinis na boses ni Aria.