Kabanata 56 "Mabuti pa yong mga pusa'ng inaabanduna ng mga amo nila eh! Iniiwan sa kalye at least don my mga taong nagmamalasakit ang makakapansin sa kanila, pero ako Kent! Iniwan mo ako sa ere! Walang taong nakapansin sakin para tulungan ako! Wala! Tapos ngayon sasabihin mo sakin na disappointed ka?! Mas disappointed naman ako sayo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong pag-comport sakin nung mga panahon na nagtataksil sakin si Jiro, pagkatapos kung mapamahal sayo, bigla-bigla ka nalang magpapaksal kay Aria?! Hindi mo man lang ba naisip kung anong mangyayari sakin kapag kasal na kayo ni Aria? Kent sinabi mong mahal mo din ako! Naniwala ako! Naniwala ako.." At tuluyan na akong napaupo sa sahig. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko at paulit-ulit ko namang pinupunasan yon gamit ang likod ng ka

