Kabanata 69 "And your sister wants to see you." Malungkot na sabi ni Mommy. Nagtatanong ko naman silang tinignan pero tanging tango lang ang nakuha kung sagot mula sa kanila. Nakaupo sa labas ng room ni Aria, sina Manang Renee, Jiro at Kent. Para na din'g waiting area 'tong mga upuang nakahilera sa labas. Isa-isa ko silang tinignan at parehong emosyon lang ang nababasa ko sa mga mata nila. Lungkot. Tumango ako kay Mommy at saka ko hinawakan ang doorknob at huminga ng malalim saka tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Aria. Naabutan ko siyang nakatingin sa bintana, na nasisinagan ng araw. "Aria." Tawag ko sa kanya. Lumingon namansiya sakin at saka ngumiti. Lumapit ako sa kanya at saka ko siya hinalikan sa noo. "How are you?" Tanong ko sa kanya habang iniiscan ko siya. My nakakabit na IV

